Tinawag na kalokohan ni political lawyer Atty. Romulo Macalintal ang kampanya ng Commission on Elections na “no bio, no boto”.
Ayon kay Macalintal, hindi naman kailangan na kunin pa ang fingerprints ng mga botante dahil sa mismong araw ng eleksyon ay wala namang mga biometrics device na gagamitin upang i-verify ang pagkatao ng mga boboto.
“Ito ang sabi ha, hindi na natin kailangan ang makinang ‘yan kasi may litrato ka naman at may signature doon sa voter’s record mo, in other words sabi ko, eh ‘di ‘pag nagparehistro ka magdala ka na lang ng litrato mo at pirmahan mo.” Ani Macalintal.
Minaliit rin ni Macalintal ang pagkonsidera ng COMELEC na isagawa ang eleksyon sa mga mall.
“The place is not important, ang mahalaga anong sistema ang gagamitin natin.” Dagdag pa ni Macalintal.
By Rianne Briones | Karambola