Walang dapat ipangamba sa umano’y birdflu outbreak sa Bayan ng Mangaldan sa Pangasinan.
Tiniyak ito ni Dr. Gilbert Rabara, hepe ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa gitna na rin ng patuloy na pagsuri ng mga alagang manok sa lalawigan.
Patuloy din aniya ang monitoring nila para maiwasan ang banta nang posibleng pagkalat ng birdflu disease sa pamamagitan ng mahigpit na inspeksyon sa poultry products na ibina byahe palabas ng Pangasinan.
Una nang ikinaalarma ng ilang residente sa Bayan ng Mangaldan ang pagkalat ng Newcastle Disease at Avian Influenza matapos ang serye nang pagkamatay ng alagang manok sa ilang barangay dito.