Hindi pa napapanahon na ipatupad ang mungkahing “No booster card, No entry” sa mga lugar na may mataas na vaccination rate.
Binigyang-diin ni interior secretary Eduardo Año na magdurusa ang ekonomiya ng bansa sakaling ipatupad ito.
Aniya, sa ngayon ay prayoridad ng pamahalaan na maturukan ng primary series ang nasa 34 million unvaccinated individuals sa bansa.
Aabot sa 59.1 million katao ang fully vaccinated na laban sa virus habang 66.5 million naman ang naghihitay ng kanilang second dose.
Mahigit kalahating milyong indibidwal sa Metro Manila ang wala pang bakuna kontra COVID-19.