Walang ceasefire na ipinatupad sa exploratory talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista.
Ito ang nilinaw ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity matapos lumutang ang usapin hinggil sa tigil-putukan.
Ayon kay OPAPRU Presidential Assistant Wilben Mayor, ang exploratory talks ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang CPP-NPA-NDF ay isang bagong prosesong pangkapayapaan.
Kinumpirma pa ng opisyal na magpapatuloy ang ang anti-insurgency operations ng Armed Forces of the Philippines at pagpapanatili ng peace and order ng Philippine National Police sa gitna ng exploratory talk.
Matatandaang nagkasundo ang pamahalaan at CCP-NPA-NDF sa isang mapayapang paglutas ng armadong tunggalian gayundin ang pagwawakas ng mga armadong pakikibaka.