Patuloy na mataas na gasolina.
Ito ang pangunahing pinapasan ng mga mangingisda ayon kay Fernando Hicap, National President ng Pamalakaya bukod pa sa tumaas ding presyo ng mga gamit nila sa pangingisda.
Hirap na hirap aniya ang mga mangingisda subalit nagsasakripisyo pa rin para lamang makaraos sa bawat araw.
Gayunman, ipinabatid sa DWIZ ni Hicap na maraming mangingisda na rin ang naghanap na ng ibang trabaho dahil sa kakarampot na kita sa pangingisda.