Ipinahinto ng Supreme Court (SC) pansamantalang ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon sa SC, ang inilabas na temporary restraining order laban sa polisiya ay “effective immediately and until further orders from the court”.
Iginiit pa ng SC Briefer, ipinagbabawal ang anumang paghuli sa pamamagitan ng NCAP at ordinansang may kaugnayan dito.
Samantala, itinakda ng SC ang oral argument para sa kaso sa Enero a-24 sa susunod na taon.