Muling ipatutupad ng MMDA ang “no contact apprehension policy” sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila kabilang na ang EDSA at Commonwealth Avenue.
Aprubado na ang Metro Manila Council o MMC ang resolusyon para sa reimplementation ng nasabing polisiya.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nakatakdang ipatupad ang “no contact apprehension policy” simula sa susunod na buwan.
Maglalagay din ang ahensya ng karagdagang 160 CCTV cameras sa mga stategic areas sa kalakhang Maynila para sa kanilang no-contact apprehension operation.
Unang ipinatupad ang non-contact traffic apprehension program o NCTAP sa ilalim ng pamumuno ni noo’y MMDA Chairman Bayani Fernando noong July 2009.
Muli itong binuhay sa termino ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino kung saan target ang mga pasaway na motorista sa Commonwealth Avenue at Diosdado Macapagal Avenue.
By Meann Tanbio