Pormal nang ipinatupad ngayong araw ang No-Contact Apprehension (NCAP) program sa anim na lugar mula sa 15 sa lungsod ng Quezon.
Kabilang sa mga lugar na ito ang 13th at 15th street sa P.Tuazon, Hemady at Tomas Morato sa E Rodriguez, Kamias- Kalayaan at East Avenue sa BIR.
Layon ng NCAP program na mabawasan ang physical na paghuli sa mga motorista sa pamamagitan ng paglalagay ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa mga lugar para madakip ang mga lumalabag sa batas trapiko.
Ayon kay Quezon City’s Task Force on Transport and Traffic Management Officer-In-Charge Dexter Cardenas, wala nang manghuhuli sa mga lugar na sakop ng NCAP habang patuloy pa rin ang manual apprehension sa mga violators sa ibang lugar sa naturang lungsod.
Samantala, ipapadala ang notice of violation sa mga lalabag na rehistradong may-ari ng sasakyan 14 na araw matapos mahuli sa CCTV ang paglabag nito.