Ipinatutupad na ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang no contact policy sa panghuhuli sa mga motorista.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos, mas marami na silang high definition cameras na nakakalat sa buong Metro Manila kumpara noong una silang nagpatupad ng no contact policy noong 2011.
Lahat aniya ng kayang makunan ng kanilang cameras na paglabag sa batas trapiko ay sakop ng no contact apprehension kasama na ang overspeeding, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at hindi paggamit ng seatbelt.
Binigyang diin ni Carlos na pangunahing layunin ng no contact apprehension na itanim sa isipan ng mga motorista na dapat na sumunod sa batas trapiko may bantay man o wala.
Bahagi ng pahayag ni MMDA Chairman Emerson Carlos
By Rianne Briones | Ratsada Balita
Photo Credit: govph