Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) hinggil sa umano’y ‘no COVID-19 vaccine, no salary’ rule sa mga trabaho.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat maging basehan ng mga employer ang pagbabakuna para mabigyan ng sweldo ang kanilang mga tauhan.
Aniya, wala pang batas na nagsasaad na mandatory ang pagpapabakuna.
Sinabi pa ni Vergeire na ang mayroon lamang sa ngayon ay ang pagkakaloob ng insentibo upang mahikayat ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico