Epektibo na ngayong araw, Miyerkules santo ang “No day off, no absent” Policy sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) .
Kasunod ito ng 2,000 personnel na ipinakalat ng ahensya upang masiguro ang ligtas at maayos na pagbiyahe ng mga pasahero ngayong Semana Santa.
Una nang sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Operations David Angelo Vargas, na hindi nila papayagan ang vacation leave o absent sa kanilang mga tauhan upang tutukan ang mga pangunahing kalsada at masigurong ligtas at maayos ang paggunita ng kuwaresma.
Kaugnay nito, inaasahan ng ahensya ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya para gunitain ang Semana Santa. – sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30) .