Pinalawig pa ng meralco ang ‘no disconnection policy’ hanggang sa katapusan ng Oktubre.
Ito ang inanunsiyo ni Meralco President and CEO Ray Espinosa sa naging hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa biglaang pagtataas ng singil sa kuryente nuong panahon ng enchanced community quarantine (ECQ) period.
Ayon kay Espinosa, layon itong mabigyan ng panahon ang mga customers na makalikom ng sapat na pambayad sa kanilang naipong bills.
Una nang tinukoy ng Meralco na mayroon na lamang hanggang Setyembre 30 para i-settle ang mga hindi bayad na bill.