Pinalawig ng Manila Electric Co. ( Meralco) ang kanilang ‘no-disconnection policy’ hanggang Abril 15 ng taong kasalukuyan.
Ito ang inanunsiyo ni Ferdinand Geluz, Meralco first vice president at chief commercial officer, makaraang isailalim muli ng gobyerno sa enhanced community quarantine o ECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal o NCR Plus simula ngayong araw, Marso 29 hanggang Abril 4.
Sinabi ni Geluz na sakop ng panibagong polisiya ang mga residente sa mga nasabing lugar.
Tiniyak din ni Geluz na magpapatuloy ang meter reading operations ng Meralco alinsunod na rin sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC).