Nanganganib na hindi matuloy ang nakatakda sanang halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Ito ang ibinabala ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista kasunod ng pagpapatigil ng Korte Suprema sa no bio, no boto policy ng poll body.
Ayon kay Bautista, tiyak na mas malaking gulo aniya ito lalo’t hindi naman sila nagkulang sa pagpapaalala para linisin ang listahan ng mga botante.
Gayunman, sinabi ni Bautista na tatalima sila sa atas ng High Tribunal na magsumite ng kanilang komento sa Disyembre 11 hinggil sa usapin.
By Jaymark Dagala