Muling pinalutang ng isang mambabatas mula sa oposisyon ang No-El o No Election Scenario sa susunod na taon.
Ito’y ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, bunsod ng pagpasa sa Ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng panukalang muling ipagpaliban ang Barangay at SK Elections sa mayo.
Ayon kay Erice, malinaw ang intensyon ng administrasyon na isabay sa halalan ang gagawing plebesito para sa pagtatatag ng bagong saligang batas sa Oktubre.
Ito aniya ang magiging daan para hindi na matuloy pa ang eleksyon sa susunod na taon dahil karamihan aniya sa mga mambabatas mula sa mayorya ay mga nasa huling termino na.
Kasunod nito, kumpiyansa si Erice na hindi magtatagumpay ang mga kapwa niya mambabatas sa Kamara na maipagpaliban ang halalan sa Mayo dahil nagpahayag na ng pagtutol dito ang mga Senador.