Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang Senate Bill no. 1466 o ang “Gift Check Act of 2017,”
Sinabi ni Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairman Juan Miguel Zubiri na kapag naisabatas, higit na pagtitibayin ng hakbanging ito ang kautusan ng Department of Trade and Industry noong 2014 na nagtatakda na tulad ng cash na pera na walang expiration, ang mga gift checks ay dapat wala ring expiration.
Kabilang sa tinaguriang na “No-Expiry Date Bill” ay ang mga gift checks, coupons at vouchers na naisyu sa mga kustomer sa ilalim ng loyalty, rewards o promotional programs na dedeterminahin ng DTI.
Tiniyak ni Zubiri na makikipagpulong sila sa kanilang counterpart mula sa Kamara upang kanilang maresolba ang anumang pagkakaiba sa kani-kanilang bersyon ng nasabing panukalang hakbangin.
By Meann Tanbio