Mahigpit na paiiralin ang “no mask, no face shield, no entry” policy sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Manila Metro Rail Transit (MRT).
Ito, ayon sa pamunuan ng LRT at MRT, ay kasunod na rin ng kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na pagsusuot ng face shield ng publiko sa lahat ng mga pampublikong sasakyan para na rin sa proteksyon at kaligtasan ng mga pasahero.
Sinabi ng LRT at MRT management na hindi papasukin sa loob ng istasyon at hindi pasasakayin ng tren ang mga pasaherong walang suot na face mask at face shield.
ABISO: MRT-3, nagpaalala sa “no mask and face shield, no entry” policy para sa mga pasahero ng tren. | via @dotrhttps://t.co/LXkD1z08nq
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 17, 2020
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasalita o pakikipag-usap sa loob ng mga tren.
PASSENGER REMINDER: TALKING IS NOT ALLOWED ON THE TRAIN
Respiratory droplets ang isa sa mga karaniwang sanhi ng pagkalat ng COVID-19. Huwag makipag-usap sa katabing pasahero sa loob ng #LRT1. Ugaliin ang pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol o sanitizer.#RideSafeOnLRT1 pic.twitter.com/4ldunIzqdD— Light Rail Manila Corporation (@officialLRT1) July 9, 2020