Nagpatupad ng “no facemask, no entry” policy sa mga empleyado sa kapitolyo sa Davao del Sur.
Ayon kay Davao Del Sur Gov. Douglas Cagas, ito’y para maingatan ang lahat sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) bagama’t wala pang nagpositibo o residenteng nakitaan ng sintomas sa probinsya.
Bukod dito maglalaan din ng P20-milyon mula sa calamity fund para gamiting pagpapatayo ng dagdag na isolation room ng provincial hospital at pambili ng alcohol at facemask.
Kasabay nito, nanawagan si Cagas sa mga alkalde at kapitan ng barangay na gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng sakit.