Ilang unibersidad sa bansa ang nagpatupad ng “no fail policy” sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga unibersidad na ito ang De La Salle University at University of the Philippines.
Inaprubahan ng La Salle ang resolusyon para ipatupad ang polisiya mula sa term 2 ng academic year 2020-2021 hanggang sa susunod na advisory nito.
Ayon naman kay UP Public Affairs Vice President Elenia Pernia hindi ibabagsak ang mga estudyante kahit walang naisumiteng requirement para sa kasalukuyang semester at bibigyan ang mga ito ng isang taon para makumpleto ang mga naturang requirements.
Samantala hindi magpapatupad ng no fail policy ang Ateneo De Manila University dahil nakasaad sa kanilang istruktura ang mga paraan para makumpleto ng mga estudyante ang kanilang requirements.
Uubra naman anitong mag-request ang estudyante ng withdrawal with permission o makakuha ng incomplete kung saan may maaari nitong makumpleto sa hihinging sapat na panahon sa mga guro.
Hindi rin magpapatupad ng ‘no fail policy’ ang PUP bagamat hinihimok ng communication management office nito ang kanilang faculty na magkaroon ng maximum tolerance, leniency o pagluluwag at awa o compassion sa kanilang mga estudyante.