Wala munang ipatutupad na fare increase ang Philippine National Railways sa sandaling magpatuloy na ang operasyon ng Metro South Commuter Line o MSCL.
Ayon kay Paul de Quiros, tagapagsalita ng PNR, ito ay dahil nananatiling naka-pending ang hirit nilang taas-pasahe.
Matatandaang humihirit ang PNR na ipatupad simula sa buwan ng Hulyo ang pagtataas ng singil sa P1.07 mula sa P0.71 kada kilometro o magiging P15 na ang minimum fare.
By Meann Tanbio