Nagpalabas na ang CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines ng NOTAM o Notice to Airmen epektibo sa katapusan ng buwan.
Kaugnay ito ng ipatutupad na No Fly Zone sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad na may kinalaman sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nation Summit.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga piloto na iwasan ang paglipad sa mga lugar kung saan idinadaos ang mga aktibidad kaugnay sa ASEAN.
Kasunod nito, magpapatupad din ng No Sail Zone ang Philippine Coast Guard (PCG) sa look ng Maynila o Manila Bay na malapit din sa PICC na siyang pagdarausan ng mga aktibidad.
Magpapatupad din ng traffic rerouting ang MMDA o Metro Manila Development Authority para sa mga motoristang daraan sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
By Jaymark Dagala
No fly at sail zone ipatutupad sa ASEAN Summit was last modified: April 22nd, 2017 by DWIZ 882