Nagpatupad ng no-fly zone policy ang National Capital Region National Police Office (NCRPO) sa bahagi ng Quiapo Church ngayong Lunes, ika-30 ng Disyembre.
Ito ay bahagi anila ng mas pinaigting na seguridad sa Quiapo Church para sa thanksgiving procession ng Itim na Nazareno.
Batay sa abiso ng NCRPO, epektibo ang no-fly zone sa kasagsagan ng aktibidad at mga ruta prusisyon.
Una na ring nagpalabas ng listahan ng mga isasarang kalsada at ipatutupad na traffic scheme ang Manila Police District para sa nabanggit na aktibidad.