Pormal nang umupo bilang bagong Bureau of Cutoms (BOC) Commissioner si dating Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Chief Isidro Lapeña kapalit ni Nicanor Faeldon .
Sa kanyang talumpati sa ginanap na turn over ceremony ngayong araw, binigyang diin ni Lapeña ang ilang polisiya na mahigpit niyang ipatutupad sa BOC.
Isa na rito ang “one strike policy”, kung saan agad na matatanggal sa puwesto ang sinumang opisyal na mapapatunayang sangkot sa korupsyon.
“My top priority should be clear to everyone: It is to do away with the ‘pasalubong’ and ‘tara’. Strictly no gift and no take policy.”
Binalaan ni Lapeña ang mga masasangkot sa katiwalian at sinumang gagamit ng kanyang pangalan para sa mga maling gawa.
“Just do your work, prove your worth and I will back you up. But once I receive reports of your corrupt practices, and such reports are validated, I will not think twice, pasensyahan tayo.”
“Don’t do that under my term. I will get you.”
Gayunman sinabi rin ng Customs Chief na nakahanda naman siyang bigyan ng gantimpala ang sinumang ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho.
Ani Lapeña plano niyang ituloy ang computerization procedures sa Customs at maglagay ng 24-hour feedback para sa ahensya.
Hiniling ni Lapeña ang tulong at kooperasyon ng lahat ng kawani ng Customs.
Matatandaang nasentro sa kontrobersiya ang Customs matapos na maisiwalat ang pagkakalusot sa bansa ng P6.4 billion shabu shipment mula China na naging dahilan rin upang magbitiw sa puwesto si dating Commissioner Faeldon.
AR/ DWIZ 882