Walang kinalaman sa kampanya kontra illegal drugs ang desisyon ng Philippine National Police (PNP) na huwag nang selyuhan ang baril ng mga pulis ngayong holiday season.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, kailangan ng pulis ang baril para labanan ang mga kriminal sa paggampan ng kanyang tungkulin.
Inihayag ni Carlos na hindi naman nila kinukunsinti ang iilang kaso ng indiscriminate firing na kinasasangkutan ng mga pulis.
Sinabi naman ni Director Camilo Pancratius Cascolan, pinuno ng PNP Directorate for Operations na ang nasabing hakbang ay para ipakita sa taumbayan na disiplinado at pinagkakatiwalaang organisasyon ang PNP.
By Judith Larino