Isinusulong ni dating MMDA Chairman at Marikina City Rep. Bayani Fernando sa Kamara ang isang panukalang batas na magtatakdang palitan ang nakaugalian nang handshake o pakikipagkamay bilang paraan ng pagbati.
Ayon kay Fernando, mainam na sa halip na pakikipagkamay ay ilagay na lamang ang isang kamay sa dibdib o di kaya’y bahagyang iyuko ang ulo.
Layon aniya nito na iwasan na maipakalat ang iba’t ibang klaseng mga bacteria at micro-ogranism na posibleng makapagdulot ng sakit.
Nadiskubre rin aniya sa pag-aaral ni Louis Pateur na ang pakikipag-kamay ang pinakamabilis umanong paraan para maipakalat ang anumang uri ng karamdaman lalo na kung hindi naman malinis sa pangangatawan ang isang tao.