Pinarerekonsidera nina Senador Panfilo Lacson at Koko Pimentel ang polisiyang pagbabawal sa non-APOR na ihatid o sunduin ang essential workers sa panahon ng ECQ sa Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20.
Ayon kay Lacson, dapat pag-aralan ng PNP ang polisiya nito dahil impractical at illogical ito at sa halip ay humanap ng win-win solution para sa essential workers. Nagpaabot din ng pagtutol si Pimentel sa ‘no hatid, no sundo’ rule na aniya’y malaking inconvenience sa health workers at iba pang APOR.
Tinukoy ni Pimentel ang ilang doktor na nag-duty ng 4 na sunud-sunod na araw at kailangang ihatid papunta at pauwi mula sa kaniyang trabaho. Hindi na dapat pang pahirapan ang mga frontliners na una nang hinimok ni PNP Chief Guillermo Eleazar na gumamit na lamang ng pampublikong sasakyan.