Walang holiday break ang legal team ni Senator Grace Poe.
Kasunod ito ng ipinalabas na disqualification case ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc laban sa senadora.
Ayon kay Atty. George Garcia, obligado silang kumpletuhin ang mga dokumento hanggang sa linggo para kanilang isusumiteng petition for temporary restraining order o TRO sa Korte Suprema sa Lunes.
Matatandaang limang araw lamang ang ibinigay sa senadora para makahanap ng legal remedy para kontrahin ang naging desisyon.
By Rianne Briones