Aminado si Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa na kulang ang kanilang mga tauhan para isa-isang inspeksyunin ang lahat ng mga sasakyang isinasakay sa barkong roro.
Gayunman, iginiit ni Dela Rosa na nagpapatupad na sila ng inspeksyon sa mga sasakyang ipinapasok sa roro.
Una nang napag-alaman ng PNP na isinakay ang isang mortar sa isang sports utility vehicle at ibinayahe sa roro mula Mindanao.
Ang nasabing mortar ang gagamitin sana sa pagpapasabog sa traslasyon ng Itim na Nazareno at Miss Universe Pageant noong Enero.
Dahil dito, iminungkahi ni NCR Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde sa hepe ng pambansang pulisya ang “No Inspection, No Ride” policy sa mga sasakyanng isinasakay sa roro.
Nakipag-uganayan na, aniya, ang PNP maritime group sa Philippine Coast Guard o PCG tungkol dito.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal