Inamin ni Liza Soberano na bagamat ‘slightly sensual’ ang kanilang bagong pelikula ni Enrique Gil ay wala pang makikitang kissing scene dito ang kanilang mga tagahanga.
Ayon kay Liza, sa ngayon ay hindi pa pinapayagan ng kanyang manager na si Ogie Diaz ang kissing scenes.
“As much as possible he doesn’t want because we want to preserve the youth in me and take long as we can to extend it.” Pahayag ng dalaga sa isang interview.
Idinagdag din ni Liza na nahirapan siyang gawin ang ilang ‘slightly sensual’ scenes nila ng ka-loveteam bagamat very helpful naman sa kanya si Quen.
“So I was asking if it was right or wrong. Quen also taught me. Siyempre si Quen mas experienced in life more than I do so he was guiding me and so as Direk Cathy (Garcia-Molina) as well,” Pagbabahagi ng dalaga.
Balewala rin kay Liza kung na-move ang release date ng kanilang pelikula at sinabing mas masaya siya na ito ang unang mapapanood ng kanilang fans sa pagpasok ng 2017.
Nakatakdang ipalabas sa Enero ang pelikulang “My Ex and Whys”.
Photo Credit: lizasoberano / Instagram