Suportado ng mga opisyal ng simbahan ang panawagan ng Cambridge University kay Pope Francis hinggil sa “no meat campaign” na siyang nakikitang solusyon upang mapigilan ang labis na global carbon emissions.
Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, Chairman ng Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na malaki ang dulot nitong pagbabago hindi lang sa kapaligiran kundi pati rin sa kalusugan ng mga tao.
Ito ay dahil sa mataas na bilang ng mga nagkakaroon ng malalang sakit dahil sa sobrang pagkonsumo ng karne ng hayop.
Sinang-ayunan din ito ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care.
Mababatid na ang ‘No Meat Friday’ ay isang tradisyong alinsunod ng mga katoliko tuwing kwaresma bilang bahagi ng kanilang pag-aayuno o pangingilin. —sa panulat ni Hannah Oledan