Sinimulan na ang muling pagpapatupad ng “No Movement Sunday” sa ilang lugar sa Mindanao.
Kabilang sa mga nagkasa ng bagong patakaran ay ang Cotabato City, General Santos City, at Datu Odin Sinsuat at Sultan Kudarat sa Maguindanao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa General Santos, bukod sa hindi pinapayagan ang mga sasakyang hindi essential ang lakad ay sarado rin ang mga shopping mall at supermarket habang bukas naman ang ilang mga kainan na may delivery service, fuel station, at botika.
Samantala, nanawagan naman ang pamahalaang lungsod ng Zamboanga sa inter-agency task force o IATF na palawigin pa ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine sa kanilang lugar hanggang Hunyo 15 ngayong taon.