Pinag-aaralan ng Department of Finance (DOF) na limitahan na lamang sa mga mayroong National Identification Card ang pagbibigay ng ayuda.
Sinabi ni finance secretary Benjamin Diokno sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng 2023 national budget, na sa ganitong paraan mabibigyan ng insentibo ang mga kumukuha ng national ID.
Dagdag pa ni Diokno, mayroong leakage ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno at ang paggamit ng national ID bilang requirement sa mabibigyan nito ay isa sa mga paraan upang matugunan ang nasabing problema.
Samantala, nangako rin aniya ang Philippine Statistics Authority na makagagawa sila ng 50 milyong national ID hanggang sa katapusan ng taon.