Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang “no permit, no rally policy” na iniutos sa Manila Police District (MPD).
Pamumunuan ni MPD Dir. Brig. Gen. Leo Francisco, mga station commanders, mga punong barangay, at kay Bureau of Permits Officer-In-Charge Levi Facundo ang naturang implementasyon hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng “Batas Pambansa 880” o “The Public Assembly Act.”
Ayon sa Manila LGUs, kailangan munang kumuha ng permit sa Manila City Hall ang mga may nais o nagpaplanong magsagawa ng pampublikong pagtitipon sa lungsod.
Mahigpit ding imomonitor ng mga otoridad ang lungsod upang maiwasan ang transmission at muling pagsirit ng kaso ng Covid-19.