Inamin ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mahihirapan silang ipatupad ang ‘no physical contact policy’ sa panahon ng kampanya.
Nilinaw ni DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya na hindi sila o Commission on Elections (COMELEC) ang nag-utos na ipatupad ang naturang polisiya.
Ayon kay Malaya, nagpalabas na si DILG Secretary Eduardo Año ng advisory para sa lahat ng local government units at Philippine National Police (PNP) hinggil sa campaign activities na pinapayagan at hindi pinapayagan sa panahon ng halalan.
Ang mga ipinagbabawal anyang aktibidad ay depende sa alert level na umiiral sa isang lugar. —sa panulat ni Mara Valle