Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police ang “No Plate, No Travel” Policy sa buong bansa.
Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. sa isinagawang command conference nitong linggo.
Ayon kay Acorda, mahigpit na babantayan ang mga motoristang gumagamit ng sasakyan na walang plaka sa pamamagitan ng highway patrol group.
Sa pamamagitan din aniya nito, partikular na matututukan din ang mga motorsiklo na walang plaka na nagagamit sa krimen.
Nilinaw ni Acorda na hindi exempted sa nasabing patakaran ang mga pulis dahil kailangang matutong sumunod ang lahat sa batas.
Sinabi pa ni Chief Acorda na dapatmaging ehemplo ang PNP sa publiko at mapanatili ang respeto.
Magkakaroon din ng koordinasyon ang PNP sa Land Transportation Office upang tuluy-tuloy ang implementasyon ng “No-Plate, No-Travel” Policy.
Sa ilalim ng “No-Registration, No-Travel” Policy na nakapaloob sa 2015 joint administrative order na inisyu ng Department of Transportation And Communication at LTO, ang lahat ng motorsiklo na bibiyahe ay kailangan na may balidong plate number.
Pagmumultahin naman ng p10,000 ang may-ari ng unregistered motorcycle habang p1,000 naman sa driver ng motorsiklo.