Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa umiiral na “no ransom policy”.
Ito ay sa gitna ng ulat na humihingi ng P30-milyon ang local terrorist group na Abu Sayyaf kapalit ng buhay ng limang Indonesians na kanilang dinukot noong nakaraang buwan.
Ayon kay WestMinCom Commander Lt. General Cirilito Sobejana, kanila pang bineberipika ang impormasyon hinggil sa umano’y hinihinging ransom ng mga bandido.
Iginiit ni Sobejana, wala sa polisiya ng AFP ang pagbibigay ng ransom kaya’t hindi rin pinapayagan ang sinuman na makipag-negosasyon sa mga suspek.
Aniya, lalu lamang lalakas ang loob ng mga teroristang grupo na gumawa ng masama para makakuha ng pera.