Kapwa nanindigan ang Armed Forces of the Philippines o AFP gayundin ang pambansang pulisya na kanilang paiiralin ang no ransom policy.
Ito’y kasunod ng panibagong video na nagpapakita sa mga biktima ng Samal kidnapping nuong Setyembre at nananawagan ng P4 Billion ransom kapalit ng kanilang kalayaan.
Sa pahayag nila Col. Restituto Padilla, Tagapagsalita ng AFP, at C/Supt. Wilben Mayor, Tagapagsalita ng PNP, wala silang planong makipag-negosasyon sa mga bandido na may hawak sa mga biktima.
Binigyang diin ng 2 opisyal na ang kaligtasan ng mga biktima ang kanilang pangunahing prayoridad sa ngayon kaya’t magtutuluy-tuloy ang kanilang operasyon para masagip ang mga ito.
Sinopla naman ng AFP ang ginagawang propaganda ng mga suspek at wala silang planong palakihin ito dahil sa malinaw ang ginagawa nilang pangingikil.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang isa’t isa para sauriin ang panibagong video na ipinalabas ng mga bandido.
By: Jaymark Dagala