Pinawi ng DOTR o Department of Transportation ang pangamba ng ilang residenteng tatamaan ng PNR Clark Railways ng administrasyong Duterte.
Ayon sa DOTR, kanilang mahigpit na ipatutupad ang no relocation, no demolition policy kung saan, tiniyak na mayruon nang lilipatan ang mga residenteng apektado ng ilulunsad na proyekto.
Batay sa datos, aabot 414 na mga informal settlers ang nanganganib mapaalis sa phase 1 ng proyekto mula Tutuban sa Maynila hanggang Malolos sa Bulacan.
Habang tinatayang aabot sa 244 na pamilya naman ang posibleng mapaalis sa phase 2 ng nasabing proyekto na mula Malolos sa Bulacan hanggang Clark sa PAMPANGA.
Kasunod nito, tiniyak din ng DOTR na maliban sa relokasyon, makatatanggap din ang mga ito ng kumpensasyon upang matiyak ang kanilang kabuhayan sa lilipatan nilang lugar.
SMW: RPE