Binatikos ng grupo ng mga mangingisda ang ipinatutupad na ‘no sail zone’ ng Phlippine Coast Guard at ng Philippine Navy sa Manila Bay.
Ito’y bilang bahagi ng inilalatag na seguridad para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit ngayong buwan.
Ayon kay Dr. Mario Pascual, Pangulo ng Navotas Fishers and traders Association, tiyak na gutom na naman ang kanilang aabutin kapag hindi sila pinayagang mamalakaya sa nasabing karagatan.
Ilan sa mga lugar na tatamaan ng no sail zone ay ang bahagi ng Maynila, Navotas, Cavite, Parañaque hanggang Bataan na nakapaligid sa Manila Bay.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)