Ipinatutupad na ngayong araw ang ‘no sail zone’ sa Manila Bay.
Ayon sa Philippine Coast Guard, bawal nang maglayag sa paligid ng Manila Bay hanggang sa Nobyembre 23 bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad sa idaraos na APEC Summit sa susunod na linggo.
Sakop ng no sail zone ang two nautical miles mula sa dalampasigan ng Pasig River hanggang Pasay City.
Mangunguna sa pagpapatupad ng no sail zone ang binuong Task Group Maritime Security ng APEC 2015.
By Ralph Obina | Aya Yupangco (Patrol 5)