Ipagbabawal muna ang pagdaan at paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa Manila Bay mula sa Linggo, Nobyembre 5 na tatagal hanggang sa 16.
Ayon kay Department of Interior and Local Government o DILG OIC Catalino Cuy, ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit sa bansa.
Dahil dito, mahigpit na ipatutupad ang no sail zone partikular sa bahagi ng H20 Hotel Manila hanggang sa Okada Hotel sa Parañaque City.
Dagdag ni Cuy, mahigpit din ang isasagawang pagbabantay sa baybayin ng Manila Bay upang tiyakin ang seguridad ng mga delagado ng ASEAN Summit.
—-