Planong ipatupad ni presumptive president at outgoing Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang “no school uniform policy” sa mga pampublikong paaralan.
Layunin nito na makabawas sa gastos ang mga magulang lalo’t taun-taon ay nagbabago ang sukat ng damit ng mga estudyante kaya’t hindi maiwasan ng mga magulang na bumili ng uniporme.
Ipagbabawal din ni Duterte ang koleksyon ng anumang “fee” upang makaluwag din sa gastos ang mga magulang.
Samantala, tikom naman ang alkalde sa hirit ng Kabataan Partylist na itigil ang implementasyon ng K to 12 program ng Department of Education (DepEd).
Bahagi ng pahayag ni Presumptive President Rodrigo Duterte
By Drew Nacino
Photo Credit: DLSL Senior High School/ Youtube