Ipinanukala ng opisyal ng samahan ng mga pribadong eskuwelahan na huwag nang magkaroon ng semestral break ang mga estudyante ngayong taon.
Ayon kay Eleazardo Kasilag, Pangulo ng Federation of Association of Private Schools and Administrators o FAPSA, ito ay para maiwasan ang pagsasakatuparan ng make-up class para sa apat na araw na walang pasok dahil sa APEC Meeting sa November 17-20.
Aniya, sa halip na magkaroon ng saturday classes ay maaring i-advance na ang mga lessons sa mga araw na hindi ipapasok ng mga estudyante.
Base aniya sa kanilang obserbasyon, kakaunting estudyante lamang ang pumapasok sa mga make-up classes bukod pa sa dagdag pa itong trabaho sa mga guro.
By Rianne Briones