Ipatutupad na ng Office of Transport Security ang “no touch” policy, para sa mga security screeners nito.
Ito ay upang maiwasan na ang pagkakasangkot ng mga ito sa mga modus, katulad ng laglag bala gang at pitik gang.
Sa ilalim ng no touch policy, ang mga pasahero na lang ang puwedeng magbukas ng bag at maglabas ng bala, sakaling mayroong makitang bala sa x-ray machines.
Hindi na din maaring hawakan ng screeners ang mga naiwang bagahe.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)