Isinama na ng Philippine Ports Authority (PPA) sa requirements ng pagkuha ng permit, lisensya at kontrata, ang pagtatanim ng hindi bababa sa 1,000 seedlings ng puno o mangroves.
Kasunod ito malaking pinsalang naidulot ng Bagyong Paeng sa bansa na epekto ng pagkakalbo ng mga kagubatan sa bansa.
Ayon kay PPA general manager Jay Santiago, bilang tugon din ito sa panawagan ng Pangulong BBM na magsagawa ng Tree Planting Activities at lalo pang paigtingin ng PPA ang Tree Planting Initiative nito sa ilalim ng PPA Administrative Order 14-2020 maiwasan ang pagbaha.
Kung saan sa ilalim ng naturang PPA Memorandum nakasaad na maaring makansela ang Permit to Operate, Certificate of Registration, at kontrata ng mga indibidwal at mga service provider sa mga pantalan na hindi susunod sa nasabing requirement.