Ipatutupad ng local government unit ng Taguig City ang ““no vaccination card, no entry” sa mga pampublikong pamilihan kasunod ng muling pagsirit ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH), pumalo sa mahigit tatlumput siyam na libong indibidwal ang tinamaan ng nakakahawang sakit.
Bukod pa diyan, hindi narin papayagang makasakay sa pampubliko sasakyan ang mga pasaherong hindi pa bakunado at hindi rin papapasukin sa mga establisyimento ang mga unvaccianted individuals.
Layunin ng lokal na pamahalaan na maiwasan ang transmission sa kanilang lungsod.–Sa panulat ni Angelica Doctolero