Nakatakdang ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang ‘no vaccination, no ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila na kasalukuyang nasa alert level 3.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, naglabas na siya ng kautusan para sa pagpapatupad ng panuntunan kung saan tanging ang mga fully vaccinated ang papayagang makabiyahe.
Magiging epektibo ang kautusan sakaling ilabas na ito sa official gazette o sa pahayagan sa general circulation at magpapasa ng kopya sa office of the national administrative register.
Exempted naman sa ‘no vaccination, no ride’ policy ang; indibidwal na may medical condition kaya hindi pa maaaring mabakunahan at ang mga bibili ng essential goods at services.
Sinumang mabibigong sumunod ay mahaharap sa kaukulang parusa. — Sa panulat ni Abby Malanday