Magpapatupad sa Lunes, January 17, 2022 ang Department Of Transportation (DOTR) ng “no vaccination, no ride” policy sa mga pasaherong sasakay ng MRT-3.
Ito ay para maprotektahan ang mga pasahero sa lumalalang bilang ng kaso ng COVID-19 at omicron variant sa bansa.
Layunin nitong mapangalagaan ang kalusugan ng publiko at mailayo sa panganib ang mga manggagawa maging ang kanilang mga pamilya.
Sa ngayon, patuloy paring nagsasagawa ng random antigen testing ang MRT-3 management sa mga boluntaryong pasaherong magpapatest na ililibre ng sakay sakaling magnegatibo sa nakakahawang sakit habang hindi naman pasasakayin ang mga pasaherong positibo sa COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero