Nagkasa kahapon ng “No vaccination, no rides” policy ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminal 2 sa pasay city.
Ito ay bilang pagtalima sa ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) kung saan, hindi pasasakayin o hindi papayagang makabiyahe ang mga pasaherong hindi bakunado.
Para sa mga papasok sa pre-departure area, kailangang ipresenta ang Vaccination cards kung saan, tanging mga fully vaccinated individuals lamang ang papayagang makasakay sa pampublikong transportasyon papunta, mula, at maging sa loob ng National Capital Region.
Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng transmission at makontrol ang pagsirit ng kaso ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero