Suportado San Jose Del Monte City, Bulacan lone District Rep. Florida “Rida” Robes ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “No vaccine, No classes” order upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinapurihan ni Robes ang desisyon ng Pangulo sa pagsasabing dapat talagang magkaroon muna ng bakuna upang ganap nang magbalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino
“The COVID-19 pandemic is very serious. We cannot force our own schedules on it. It is best to wait for a vaccine to be developed or for more definite medical interventions to be easily available. Otherwise, we would be risking the lives of all the students, as well as their teachers, school employees, and their respective family members.” ani Robes.
Sa kanyang Public address lunes ng gabi, May 25, sinabi ng Pangulo na maaari lang makapasok muli sa mga paaralan ang mga mag-aaral sakaling mayruon nang bakuna ang mga kabataan para labanan ang nakamamatay na virus
“I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit iyang mga bata na ‘yan. Bahala na hindi na makatapos unless I am sure that they are really safe. Para sa akin, bakuna muna (I will not allow the opening of classes where the kids will be close together. They can’t go to school unless unless I am sure that they are really safe. For me, there should be a vaccine first.)”
Samantala, tinawag namang INSENSITIVE ni Robes ang Department of Education o DepEd na gagamitin sa mga paaralan ang online learning setup, dahilan upang magdulot naman ito ng magkahalong reaksiyon ng publiko.
Sa katunayan, ipinunto ng ibang indibiduwal na magdudulot ito ng kawalan ng opurtunidad na makapasok sa eskuwela ng mga estudyante na hindi kayang makabili ng equipment at internet connection na kinakailangan para sa online learning.
“To be frank, a lot of people thought that the DepEd has been rather insensitive about the matter,”
“They were adamant about opening in August even if we have not yet totally contained the virus. They had to wait for President Duterte to step in. I am very glad that he intervened. I’d rather sacrifice the school year rather than the lives of students and Filipinos in general. We can make up for time we lose in school, but we can’t bring back lost lives. Let’s all work together to come up with better solutions that won’t compromise anyone’s well-being.” sabi ni Robes.